Isa si Moira Dela Torre sa mga gumagawa ng pangalan at patuloy na
sumisikat ngayon hindi lamang dahil sa husay nya sa pagkanta kundi pati na rin
sa pagiging matapang at matatag nya sa kabila ng lahat ng pagsubok na kinaharap
niya. At kabilang na rin sa pagsikat nya at pag-usbong ng kanyang mga
taga-hanga ay ang hindi maiiwasang mga bashers niya, lalo na nang siya ay
nabilang sa mga hurado ng “Idol Philippines” kasama sina James Reid, Vice Ganda
at Regine Velasquez.
Maraming mga kritisismo siyang natatanggap mula sa iba’t ibang mga tao
na kung saan karamihan sa kanilang mga nasasabi ay “kawalan ng ganang mag judge
ni Moira o kaya’y hindi marunong mag-judge”. Matatandaang sa latest na
interview kay Moira ng Rated K, inamin ng dalaga na matagal tagal rin siyang
naging depress at nagsuffer dahil hindi sya sanay na nababash ng tao at
nakatatanggap ng masasakit na salita.
Gayumpaman, kahit na masakit at sunod sunod ang kanyang naging
suliranin, kaysa siya’y magmukmok at mag-isip, ginawa niyang kawili-wili ang
laban nyang ito. Tuwing siya’y makakareceive ng message mula sa isang basher,
ang kanya na lamang itong nirereplyan ng lyrics ng kanta.
Ayon sa interview ng Push sa kanya, sinabi ng dalaga na “Before, kapag
may nakikita akong bashing, sobrang naaapektuhan ako. Pero ngayon, nirereplyan
ko na lang ng lyrics ng kanta ko, baka may pinagdadaanan ‘to [or] may emptiness
na nararamdaman.”.
Kasama rin na binanggit ni Moira sa interview kung gaano kalaki ang
naging tulong ng kanyang asawang si Jason Marvin lalo na nung mga panahong
nagsisimula pa lamang ang pangbabash sa kanya.
“At one point naging unstable ako, na feeling ko lahat was out to get
me. And my anxiety ako nalahat is ganging up on me, especially nung nag-start
yung bashing,” dagdag pa ni Moira.
Sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaraanan ay nanatiling bukas ang
pang unawa at pagmamahal ng asawa at hindi nakalimutan ang pagiging tapat ng
asawa lalo na sa Diyos. “Ginamit talaga siya ni God to really battle the lies
in my head. And then now, pinakita nya sa akin na we all have to give chance to
others the benefit of the doubt.”
No comments:
Post a Comment