Monday, September 16, 2019

Star Magic Ball 2019: Highlights


Star Magic Ball 2019: Highlights

Hindi maitatanggi na ang Star Magic Ball ng ABS-CBN ang isa sa mga pinaka-inaabangan ng maraming fans every year. At nitong September 14 lamang ay ginanap na nga ang Star Magic Ball 2019 sa Shangri – La at The Fort na talaga namang inantabayanan ng marami. Modern Filipiniana ang tema ng event ngayong taon kaya naman kapana-panabik ito, bukod sa katatapos lang ng Star Magic All Stars Game, marami rin ang nag-aantay sa mga bagong mukha at first-time attendees ng event. Kanya kanyang rampa sa red carpet ang mga artista at kanya-kanya ring pabonggahan ng damit.


Isa sa mga pinaka-agaw pansin ang kasuotan ay si Kim Chiu kasama ang long-time boyfriend nitong si Xian Lim. Supportive ang dalawa sa mga achievements at goals nila sa buhay, on and off cam. Matatandaan rin na present si Xian and taga-cheer pa ni Kim Chiu sa katatapos lang na Star Magic All Stars Game kung saan si Kim ay naging captain ng team red at kanila ring panalo.

At abot tenga naman ang ngiti ng mga fans ng JaDine dahil sa sweetness ng dalawa sa naturang event. Marami rin ang nagsabi na napakahusay at ng pagkakadala ni Nadine ng damit nya at bakas na bakas sa kanya ang natural na kagandahan ng isang Filipina. Bagay na bagay sa kanya ang napili niyang kulay ng damit at sapatos. Lutang rin ang kagwapuhan ni James sa event.Present din sa event ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Labhati. Fresh at sosyal naman ang dating ng dalawa at hindi binigo ang mga fans nila. Itinanghal din si Richard bilang Best Dressed Artist sa event.  

Hindi naman maitatanggi na marami rin ang nag abang sa kung ano ang isusuot ni Julia Barretto. Matatandaang nuoong mga nakaraang star magic ball event ay lagi nitong kasama ang ex nito na si Joshua Garcia, pero dumating si Julia na mag-isa at looking good sa event, bumagay sa kanya ang suot na filipiniana at bakas ang kaamuhan ng mukha ng dalaga.


At ang unkabogable star Meme Vice Ganda ay talaga namang unkabogable pa rin, obvious naman sa suot ni Vice kung gaano siya magpahalaga at mag-invest ng oras lalo na kapag alam niyang haharap ka sa mga kapwa mo artist. Si Liz Uy ang designer ni Vice at maraming netizen ang nagsasabing bumagay sa kanya ang kanyang damit sa event at match pa ito sa kanyang korona.




 Ang pinaka-inabangan naman ng lahat ay ang entrance ng KathNiel na hindi nawawala sa spotlight ng Star Magic Ball taon-taon. Agaw pansin ang look ng nag-iisang forever Teen Queen Kathryn Bernardo. Matatandaang sunod-sunod ang achievement ng dalaga sa kayang career at mula sa magkasunod nyang mga movies.
Supportive naman si DJ sa kanya at ganun din si Kath mapa- on or off cam man. Ito ang pang walong beses na attend ng dalawa sa Star Magic Ball, at taon-taon ay sila rin ang magkapartner. Matatag ang KathNiel fans at super thankful naman din si Kath at DJ sa walang sawang pagsuporta ng fans nila sa lahat ng current events sa kanila.








1 comment:

Pinay sinaksak ng asawang Pranses

Isang 30-anyos na Pinay ang binawian ng buhay nitong Biyernes ng umaga matapos saksakin ng kanyang asawang Pranses. Kinilala ang Pina...