Sunday, September 8, 2019

Kathryn Bernardo: Umiyak sa kanyang speech



Matapos ang magkasunod na achievement at success ng tinaguriang Teen Queen na si Kathryn Bernardo, umaapaw ang pasasalamat ng dalaga sa lahat ng tumulong sa kanya at naging inspirasyon nya at gayon na rin sa mga tagahanga niya.

Image result for kathryn bernardo


Maaalalang sa kanyang record-breaking na pelikula kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla, noong nakaraang taon, ay tunay namang milyong-milyong tao din ang kanilang napahanga. Ang “The Hows of Us” ang tinaguriang movie of the year noong 2018 kung saan kumita ito ng P800 million. At nito lamang nang inilabas na nga sa mga sinehan ang kanyang unang pelikula kasama si Alden Richards, hindi inasahan ng aktres ang kanyang magiging tagumpay. Nalagpasan ng “Hello, Love, Goodbye” ang P800 million na record ng “The Hows of Us”. Sa ngayon, ang pelikula nila ng aktor na si Alden Richards ay ang highest grossing Philipine film of all time.

Image result for kathryn bernardo



Sobra sobrang pasasalamat naman ang nais ipabatid ng dalawa (Alden at Kathryn).  At nito lamang Martes ng magbigay ng speech ang dalaga sa thanksgiving party ng pelikula ay maluha luha ito. Inamin ng dalaga na siya ay nagdadalawang isip pa naoon kung kanyang tatanggapin ang pelikula sapagkat hindi si Daniel ang makakasama nya rito, na tila ba ay nasanay siya na si DJ na kanyang nobyo ang laging makakapareha.

Image result for kathryn bernardo

“Tinanong ko yung sarili ko, ‘Ready na ba? Kaya ko na ba ‘tong mag-isa, na wala si DJ (Padilla)?’” , “Ngayon, na-realize ko na kung hindi ko tinaggap ‘tong project na ‘to, iyon yung biggest regret of my life,” dagdag pa niya habang inaalala kung paano siya nagdalawang isp noon sa pagtanggap ng pelikula.

Image result for kathryn bernardo


Ang pelikulang ito ang unang pagtatambalan ng KathDen na talaga namang tumatak sa tao sapagkat bukod na galing ang dalawa sa magkaribal na network – GMA at ABS-CBN – kung saan kabilang rin sila sa naglalakihang fandom ng KathNiel at AlDub.

No comments:

Post a Comment

Pinay sinaksak ng asawang Pranses

Isang 30-anyos na Pinay ang binawian ng buhay nitong Biyernes ng umaga matapos saksakin ng kanyang asawang Pranses. Kinilala ang Pina...