Friday, September 20, 2019

Pinay sinaksak ng asawang Pranses

Image result for JAnice Badr

Isang 30-anyos na Pinay ang binawian ng buhay nitong Biyernes ng umaga matapos saksakin ng kanyang asawang Pranses. Kinilala ang Pinay na si Janice Badr at ang asawa nitong si Christophe Badr na 34-anyos. Nangyari ang insidente sa Maisons-Lafitte, may 18 kilometro ang layo sa Paris.

Base sa statement ng mga nakasaksing kapitbahay, tila ba nagtatalo ang dalawa at lumabas ng garden si Janice habang nagsisisigaw at humihingi ng tulong, kasunod nito ang asawang si Christophe, ayon pa sa mga nakasaksi ay nakita nila kung paano sinaksak ng Pranses sa dibdib ang Pinay, at saka ito bumalik sa loob ng bahay nito.

Agad namang umaksyon ang mga kapitbahay at tumawag ng pulis ngunit huli na ang lahat at binawian na ng buhay ang Pilipina. Two years nang kasal si Janice at Christophe. Mula Panabo, Davao si Janice na may 18-buwang anak na babae. Habang ang ilang kababyang Pilipino naman natin sa Paris ay nagkasundo na ipagdasal si Janice at mabigyan ito ng katarungan.

Hindi pa alam ang tunay na motibo ng krimen.

No comments:

Post a Comment

Pinay sinaksak ng asawang Pranses

Isang 30-anyos na Pinay ang binawian ng buhay nitong Biyernes ng umaga matapos saksakin ng kanyang asawang Pranses. Kinilala ang Pina...