Thursday, August 15, 2019

Chikka: Bea-Gerald-Julia + Tita Greta vs. Marjorie Barreto



Ilang linggo na ang nakalipas matapos sumiklab ang issue ukol sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson, haka-haka ng ilan ay dahil may third party sa relasyon ng dalawa at ito ay si Julia Barretto na ex-girlfriend nang binatang aktor na si Joshua Garcia. Bagama't maraming nagsasabing dahilan rin sa hiwalayan ni Joshua at Julia si Gerald, nilinaw ng dalawa na walang kinalaman si Bea o Gerald sa pamamahinga ng relasyon nila ayon sa isang interview matapos ang kanilang fan meet para sa pelikulang kabilang sila na "Block Z".

Malinaw rin ang post ni Julia Barretto sa kanyang Instagram post kung saan ay pinasaringan niya ang kapwa aktres sa ABS-CBN na si Bea Alonzo. At makikita sa post ni Julia ang sari-saring komento ng netizen at mga kilalang pangalan sa showbiz. Sinabi rin ni Julia na hindi siya papayag na ma-bully ng mga fans ni Bea. Halo-halo ang naging reaksyon ng mga fans rito at marami ang nagalit kay Julia.

Pero kung may pinka-kontrobersyal na komento rito, walang iba kundi ang tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto kung saan nagbanggit pa ito na nag-hire lamang si Julia at ang pamilya nito ng ghost writer para lamang makapagsulat ng ganoon kaya naman mas lalong naging desperadalamang ang dating nito sa madla.

Marami ring pasaring ang kapatid ni Julia Barretto na si Dani sa Twitter para sa mga nang-aaway kay Julia kung saan kanyang binaggit na dati rin namang nag-cheat si Joshua Garcia kay Julia pero bakit hindi ito pinansin ng madla?

Trending naman ngayon ang bio ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto sa kanilang instagram. Sa profile ni Marjorie ay makikita ang bio nito na "GHOST WRITER" at kay Gretchen naman ay "GHOST BUSTER" na syang naging patok sa mga tao.

Ikaw ano ang panig mo sa issue na ito? Team Bea ka ba o Team Julia?



No comments:

Post a Comment

Pinay sinaksak ng asawang Pranses

Isang 30-anyos na Pinay ang binawian ng buhay nitong Biyernes ng umaga matapos saksakin ng kanyang asawang Pranses. Kinilala ang Pina...