Tuesday, September 17, 2019

10 Reasons Not To Give Up The Person You Love




Minsan kapag nagkakaroon tayo ng misunderstanding sa partner natin, napapisip tayo kung okay pa ba na ituloy ang relationship. Especially kapag malaki yung naging problema or reason ng pinag-awayan. And sometimes dahil sa reason ng pinag-awayan, madami ang taong nadadamay, pero worth it ba kung i-gigive up? Sa article na ito, we'll share with you 10 reasons why you should not give up the person you love.

wedding couple standing on winding road between trees under cumulus cloud

1. Think why you choose him/her to be your partner.
Bakit nga ba sya ang pinili mo or bakit ikaw ang pinili nya. Ano yung mga reasons o naging batayan mo for that person? Pinili mo ang partner mo ngayon dahil there’s something special about that person. And alam mo sa sarili mo na espesyal sya sa iyo.

shallow focus photo of man and woman holding hands

2. You’re happy, you were once happy.
Hindi mo sya magiging partner kung hindi ka masaya sa kanya or kung hindi ka sumaya sa kanya. Think of the reason why you’re happy with your partner. And iyan naman ang goal ng bawat relationship, to be happy and be inlove with the person and memories.

3. Comfortable and confident feeling.
Sa hirap makahanap ng taong na pagsasabihan natin ng mga nangyayari sa buhay natin, suwerte na kung makahanap ka ng taong komportable ka at confident ka dahil supportive sya. Kung igigive up mo yung tao, parang mahirap na na makahanap at mag-share ulit sa ibang tao, dahil takot kang ma-judge. Pero if with your partner, alam mong hindi ka ijujudge kaya keri lang.

man and woman kissing under the sun

4. Trust – You trust the person.
Ang isa sa mga pinaka-importanteng aspeto at foundation ng relationship ay ang tiwala syempre. Kaya ka nag-stay sa partner mo ay dahil sa trust nyo sa isa’t isa.

5. You’re friends with your partner
Kakampi mo sya kapag may problem aka sa ibang tao, masasandalan mo sya. Lagi syang nasa tabi mo at bukod sa partner mo sya ay kaibigan mo pa. Hindi mo lang sya mahal bilang partner mo kundi pati bilang kaibigan mo na rin.

woman on bike reaching for man's hand behind her also on bike
6. You understand each other.
Mahal mo sya kaya naiintindihan mo sya at iintindihin ka nya dahil mahal ka niya.

7. You respect each other.
Sa generation natin ngayon, tila ba ang hirap din na makatanggap o manghingi ng respeto sa ibang tao pero kapag sa partner mo, naandun palagi yung respect. Kasi naandun din yung love.
couple kissing in front of trees
8. The pagod is worth it.
Sa buhay, araw araw tayong napapagod, maybe because of work, biyahe, aral at iba pa. Pero at the end of the day kapag nakita mo yung ngiti sa partner mo para bang worth it lahat ng pagod mo buong araw, makasama mo lang sya ay bumabalik yung lakas mo.

9. Puyat is worth it.
man and woman holding hands in silhouette photography
Yung kahit buong araw na kayong magkasama at buong araw ka nang pagod, kahit ilang oras na kayong magkausap at magkapuyatan ay worth it kasi sobrang special nung tao sayo, you are both making memories worth treasuring.

10. You love the person.
You don’t give up because you love the person.




 .

No comments:

Post a Comment

Pinay sinaksak ng asawang Pranses

Isang 30-anyos na Pinay ang binawian ng buhay nitong Biyernes ng umaga matapos saksakin ng kanyang asawang Pranses. Kinilala ang Pina...