Isang 30-anyos na Pinay ang binawian ng buhay nitong Biyernes ng umaga
matapos saksakin ng kanyang asawang Pranses. Kinilala ang Pinay na si Janice
Badr at ang asawa nitong si Christophe Badr na 34-anyos. Nangyari ang insidente
sa Maisons-Lafitte, may 18 kilometro ang layo sa Paris.
Base sa statement ng mga nakasaksing kapitbahay, tila ba nagtatalo ang
dalawa at lumabas ng garden si Janice habang nagsisisigaw at humihingi ng
tulong, kasunod nito ang asawang si Christophe, ayon pa sa mga nakasaksi ay
nakita nila kung paano sinaksak ng Pranses sa dibdib ang Pinay, at saka ito
bumalik sa loob ng bahay nito.
Agad namang umaksyon ang mga kapitbahay at tumawag ng pulis ngunit huli
na ang lahat at binawian na ng buhay ang Pilipina. Two years nang kasal si
Janice at Christophe. Mula Panabo, Davao si Janice na may 18-buwang anak na
babae. Habang ang ilang kababyang Pilipino naman natin sa Paris ay nagkasundo
na ipagdasal si Janice at mabigyan ito ng katarungan.
Hindi pa alam ang tunay na motibo ng krimen.